We’ve installed new digital signage across the GO Transit network. We want your input! Take the survey and tell us what you want to see.

Newcomers in a transit station

Magsimula sa GO Transit

Ganito ka kadali at abot-kayang makaka-travel sa Greater Toronto at Hamilton Area
Newcomers in a transit station

Magsimula sa GO Transit

Ganito ka kadali at abot-kayang makaka-travel sa Greater Toronto at Hamilton Area

Welcome, Mga Newcomer


GO Train stopped stopped on an empty platform waiting for passengers

Mabilis kang dadalhin ng mga GO train at bus kung saan mo kailangang pumunta habang nagsisimula kang manirahan sa bago mong tahanan, papunta ka man sa mga kaibigan at pamilya, sa trabaho, sa event, o nais mag-explore ng magagandang bagay na magagawa sa area.

Get to know more

Tutulungan ka naming magsimula sa GO sa 3 madadaling hakbang:


Location icon

Maghanap ng Station o Stop

Paano mo makikita ang pinakamalapit na GO train station o GO bus stop.

Icon

Mga Destinasyon

Saan ka maaaring dalhin ng GO Transit.

Icon

Mga Paraan sa Pagbabayad

Paano makatitipid ng pera gamit ang PRESTO card, mga discount, passes at marami pa.

Maghanap ng Station o Stop

Narito ang madadaling step-by-step instruction para matulungan kang makita ang pinakamalapit na GO train o GO bus.

Step 1: I-type ang iyong lokasyon (halimbawa: mga pangunahing kalyeng pinakamalapit sa iyo)

Step 2: Payagan ang gotransit.com na “Alamin ang iyong lokasyon"

Step 3: I-click ang "Update"

Step 4: Mag-zoom out sa mapa. Maghanap ng mga bilog hanggang makita mo ang iyong GO Station

Step 5: I-click ang “Go to Station page”

Step 6: Ipapakita sa iyo ng pahinang ito kung kailan aalis ang mga susunod na train o bus

Maghanap ng Station o Stop

Mga Destinasyon


Toronto skyline

Mula sa kilala sa mundong Niagara Falls hanggang sa pagsasaya ng pamilya sa buong lungsod ng Toronto, mabilis at madali kayong dadalhin ng GO Transit! At tandaan, ang mga batang 12 taong gulang at mas bata ay laging makakasakay nang libre sa GO!

Kumuha ng Mga Detalye Dito

Mga Paraan sa Pagbabayad


Tap your credit card, phone or watch on a GO PRESTO device at the beginning and end of your trip.

Papunta ka man sa trabaho, bumibisita sa mga kaibigan at pamilya, o ine-explore ang bago niyong area, ang pinakamadaling paraan sa pagbabayad ng iyong pamasahe ay paggamit ng PRESTO card.

Magagamit mo ang PRESTO card sa mga GO train at bus, pati na sa 11 ibang mga transit agency sa Greater Toronto at Hamilton Area, at Ottawa.

Naghahandog ang PRESTO ng discounted na pamasahe kapag mas maraming beses kang bumibiyahe sa isang buwan.

Ang mga batang 12 taong gulang at mas bata ay laging makakasakay nang libre sa GO!

Mga Paraan sa Pagbabayad